Dreams do come true, ika nga.

Isang istorya ang aking natunghayan na naka-antig ng aking atensyon at nagbigay inspirasyon sa akin patungkol sa pagkamit ng mga pangarap.

13047979_10206439364485133_4261613970492701240_oSiya si ate Kath o Katherine Ortaliza-Videna. Lumaki sa isang masaya at payak na pamilya sa siyudad ng Makati. Tulad ng tipikal na anak, ate, at babae, siya ay isang matatag at matayog ang pangarap  sa buhay na tao. Sila ay nanirahan lamang sa hindi kalakihang tahanan, ngunit punung-puno ng pag-aaruga, pagmamahalan sa isa’t-isa.

Bawat isa sa ating mga nangangarap ay nagsisimula sa pinaka-ibaba at minsa’y kailangan mong kumayod, umiyak, mapagod, madapa at masugatan bago makarating sa itaas. “Noon, pangarap kong maging Engineer, matulungan sila Mama’t Papa at mag-travel around the Philippines at sa abroad.” pahayag ni ate Kath. Madaming pagsubok ang dadaanan. Maraming kanto ang lilikuan. Maraming bagay ang iyong haharapin upang makarating sa iyong paroroonan. Pero ang lahat ng pighating ito ay wala kumpara sa kasiyahang dulot ng pagka-asam ng iyong mga pangarap, ang iyong mga tagumpay.

“Ngayon, dahil sa pagsisikap, naabot ko na ang aking mga pangarap. Ngayon, isa na akong ganap na Computer Engineer and especially nakakapag-travel na ako sa mga lugar kung saan ko gusto puntahan.” wika niya.

Aniya, “Marami rin akong pinagdaanan bago ako makarating sa kung nasaan man ako ngayon. Halimbawa na lamang ay noong ako nag-aaral ng Engineering sa Rizal Technological University. Dumating sa point na gusto ko nalang tumigil dahil sa mga failures ko, pero hindi ako nagpadala doon. Ginamit ko ang mga failures na iyon at mas pinagbutihan ko pa. Tiwala lang at faith kay Lord!” 

Ilan sa mga popular na lugar na kaniyang napuntahan ay ang: Hundred Islands sa Pangasinan, Pearl Farm Resort sa Davao, Puerto Princesa Underground River, Laoag Sand Dunes, Jeju Island sa South Korea, Seoul sa South Korea.

Lahat ng tao dito sa mundo ay may pangarap. Pangarap na nagbibigay direksiyon sa bawat isa sa atin. Ngunit ito ay hindi madaling makamtan, kailangan mo itong paghirapan. Minsan pa nga’y ito ang susubok sa iyong katatagan upang harapin ang mga balakid sa ating buhay. Pero walang imposible sa taong pursigido at may pananalig sa Diyos upang maabot ang kaniyang mga pangarap. DREAMS DO COME TRUE, ika nga.